Miyerkules, Marso 21, 2012

Panangbenga Festival


Layunin:
a.) Naipapaliwanag ang kasaysayan ng Flower Festival,
b.) Natutukoy ang bawat uri ng mga bulaklak, 
c.) Napapahalagahan ang ganda ng bulaklak.





KASAYSAYAN NG PANAGBENGA

Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista. Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.


Panagbenga
(February)
Ang Baguio Flower Festival ay nagsimula noong 1994, isa sa pinakamalaki at pinakamatagumpay na festivals ng Pilipinas Fiesta Calendar.Baguio, tinaguriang City of Flowers dahil sa isang buwan pagdiriwang na kinapapalooban ng pagsasaya katulad ng Parade of Floats and Bands, Street Dancing Competitions na ginaganap sa huling Lingo ng Pebrero. Mayroon din landscapes competitions, Arts exibits, Golf tournaments, Flea markets, at ang mga simpleng kasiyahan para sa mga turista at sa mga residente doon. 

PMA Homecoming
(February)
Ang kilalang Alumni ng Philippine Military Academy sa taunang pagganap ng muling pagkikita ay may parada at maraming seremonya na kadalasang ipinagdiriwang ang reunion sa ikalawang linggo ng Pebrero. 

Holyweek In Baguio
(March or April,movable date)
Ang Mahal na Araw ng Romano Katoliko na pasimula ng pasimula ng Philippines Summer Vacation (SUMVAC- April-May) festivities na kung saan maraming bisita ang mga dumadayo upang takasan ang mainit na klima sa baba. Ang mga civic at business groups ang nangunguna sa mga aktibidades para sa kasiyahan ng mga bisita. 


 Baguio Foundation Day
(September)
Sa unang linggo ng buwan ay ipinadiriwang ang pakakatatag ng Baguio sa Summer Capital ng Pilipinas magmula ng ito'y maicharter noong September 01,1909 na may exibits, parades, programs, cultural shows at sister-city programs. 

Baguio Arts Festivals
(November-December)
Ang taunang festival na ito na itinatag ng Baguio Arts Guild nagsimula pa noong 1989, na may visions na unang gawin ang Baguio bilang lugar ng Arts and Artist na ipapakita ang pagiging magaling sa visual arts(photography, films,video, arts sculpture, at arts installations): Performing arts (modern dances drama, music, poetry reading): ethnic arts. 

Fil- Am Golf Tournament
(November-December)
Ito ay ginaganap sa kalagitnaan ng buwan ng November o sa unang araw ng December na nilalahukan ng daan o libong mga golfers mula sa Amerika at Pilipinas na kung saan sabay na ginaganap sa Camp John Hay at Baguio Country Club.